WATCH: Fil-Am na si Angelica Hale muling pinabilib ang mga hurado sa America’s Got Talent

FB Photo

Muling pinabilib ng Fil-Am na si Angelica Hale ang mga hurado sa kaniyang performance sa espesyal na edisyon ng America’s Got Talent: The Champions.

Sa episode ngayong linggo, ang kantang ‘Impossible’ ang inawit ng 11-anyos na si Angelica Hale.

Tinawag ni Mel B na brilliant ang naging performance ni Angelica na aniya ay napakalaki na ng improvement.

Ayon naman kay Simon Cowell kitang-kita sa performance ni Angelica ang kagustuhan niyang maipanalo ang kompetisyon.

Si Angelica Hale ay isang kidney transplant survivor.

Nagtala din siya ng history sa AGT na kauna-unahang contestant na nakakuha ng dalawang golden buzzers.

Read more...