LRT-2 Masinag Extension project mahigit 50% nang kumpleto

Nangalahati na ang proyekto para sa LRT-2 Masinag Extension.

Ayon sa update mula sa Department of Transportation (DOTr) 57 percent nang kumpleto ang LRT-2 Masinag Extension project na may habang four-kilometers.

Sa nasabing proyekto, dudugtungan ang LRT-2 mula Santolan hanggang sa Masinag.

Dalawang istasyon ang madaragdag, ang Emerald at Masinag stations.

Sa sandaling matapos ang proyekto ay makikinabang dito ang mga residente sa Antipolo City.

Sa taong 2020 target matapos ang LRT-2 extension.

Read more...