Sa ikatlong pagkakataon ay muli na namang naantala ang bilangan sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ito’y matapos magdeklara agad ng “recess” ilang minuto matapos mag-reconvene Comelec en banc na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers.
Ayon sa NPBOC, ngayong araw ng miyerkules, February 13 ng alas 2:00 ng hapon na lang nila itutuloy ang bilangan ng mga certificate of canvass mula sa Lanao Del Norte at North Cotobato.
Kailangan pa kasi ng dagdag na oras para makumpleto ang tabulation.
Hindi naman sinabi ng NPBOC kung ilang porsyento na ang kanilang tabulation mula sa update na 20 percent.
READ NEXT
Valentine’s Day gugulin ni Pangulong Duterte sa pangangampanya sa mga kandidato ng PDP-Laban
MOST READ
LATEST STORIES