Valentine’s Day gugulin ni Pangulong Duterte sa pangangampanya sa mga kandidato ng PDP-Laban

Sa araw ng mga puso, magiging abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangampanya sa mga pambatong senador ng kanyang Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan o PDP-Laban.

Ito ay dahil sa dadalo ang pangulo sa proclamation rally ng PDP-Laban ng alas 5:00 ng hapon sa Industrial Site, Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Si Pangulong Duterte ang tumatayong chairman ng PDP-Laban habang si Senador Koko Pimentel ang presidente ng partido.

Matatandaang hindi dumalo kahapon ang pangulo sa proklamasyon ng Hugpong ng Pagbabagao ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon kay Mayor Sara, hindi na niya inimbitahan ang kanyang ama sa rally dahil sa dami ng problema ng bansa na mas kinakailangang tugunan.

Read more...