Magkapatid patay sa sunog sa Angeles City, Pampanga

Nasawi ang dalawang bata matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Pandan, Angeles City.

Nakilala ang nasawing magkapatid na sina Rian, 4 na taong gulang at bunsong si Rox, 2 taong gulang.

Ayon sa kanilang ina na si Margie Roxas, araw-araw na naiiwan ang mga bata sa bahay dahil nagtatrabaho sila at ibinibilin lamang ito sa kanilang lola.

Sinabi ni Roxas na nagkataon na kahapon ay nilagnat ang kaniyang ina kaya hindi nito nasundo ang magkapatid.

Nabatid na nakikikabit lamang ng kuryente sa kapitbahay ang pamilya Roxas dahil wala pa silang sariling linya ng kuryente..

Ayon kay Fire Chief Insp. Sonny Cario, fire marshall ng Angeles City Central Fire Station ang pag-tap ng kuryente ang hinihinalang sanhi ng sunog dahil sa pag-overload bunsod ng paggamit nila ng extension wire.

Read more...