Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, masyado pang maaga para husgahan na makokopo ng senatorial slate ng adminitrasyon ang labing-dalawang bakanteng puwesto sa Senado.
Ayon kay Panelo, mahuhulaan lamang ang mga siguradong mananalo isang linggo bago ang halalan sa Mayo 13.
Kabilang sa mga iniendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Governor Imee Marcos, Dating Sap Bong Go, dating Political Adviser Francis Tolentino, dating Pnp Chief Ronald Dela Rosa, Senators Cynthia Villar, Jv Ejercito, Sonny Angara, Rep. Pia Cayetano, Rep. Dong Mangudadatu, Freddie Aguilar, at dating Senador Jinggoy Estrada.
“Wala akong makita. Blangko pa. Malalaman mo iyon siguro one week before the election. Too early for that,” ani Panelo.