M3.5 na lindol naitala sa Bohol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Bohol kaninang alas-4:19 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Catigbian.

May lalim itong 11 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng aftershocks at hindi rin ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian.

Read more...