Amihan, ramdam pa rin sa malaking bahagi ng bansa

Patuloy na mararamdaman ang malamig na panahon sa mas malaking bahagi ng bansa dahil sa pag-ihip ng Hanging Amihan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, mas mararamdaman ang epekto ng Amihan sa Silangang bahagi ng Luzon.

Ngayong araw, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at Bicol Region.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay maaraw ngunit may tyansa pa rin ng mga mahihinang pag-ulan.

Sa buong Visayas at Mindanao naman ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Magandang balita naman sa mga maglalayag dahil walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.

Read more...