Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, interesting idea ang pagpapalit ng pangalan.
Kapag nabago na aniya ang pangalan ng bansa, hindi na Filipino ang itatawag sa mga mamamayan kundi “Maharlikano”.
Naniniwala si Panelo na kinakailangan na baguhin muna ang konstitusyon para hindi na makukuwestyun ang pagpapalit ng pangalan o bumalangkas ng bagong batas.
“The constitution provides that Congress may enact a law that can change the name of the country and then submits it to the people for referendum,” pahayag ni Panelo.
Ayon kay Panelo, hindi kasi uubra ang isang executive order lamang.
Maganda aniya ang pangalang Maharlika dahil sa lenggwahe ng mga Filipino nangangahulugan ito ng ‘royalty’ habang sa salitang Malay naman ay nangangahulugan ng katahimikan at kapayapaan.
Binigyang-diin naman ni Panelo na hindi ito nangangalugan na nais nang makawala ng Pilipinas sa anino ng kolonyalismo ng mga Spanish kundi paggigiit lamang ng sariling pagkakakilanlan.