P90M na halaga ng shabu na itinago sa loob ng tambutso ng kotse nakumpiska sa bodega ng DHL sa NAIA

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P90 million na halaga ng ilegal na droga sa bodega ng DHL sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BOC ang mga shabu na tinatayang aabot sa 13 kilo ang timbang ay isinilid sa loob ng mga tambutso.

Ang mga tambutso o muffler na pinaglalagyan ng 13.100 na kilograms ng shabu ay nakalagay naman sa 26 na piraso ng packages.

Ang nasabing mga kargamento ay idineklara bilang mga spare parts ng kotse o tambutso na galing sa West Covina, California, USA.

Kasama ng BOC sa nasabing operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Read more...