LOOK: Schedule ng memorial service para kay Philippine entertainment icon Armida Siguion-Reyna

Ibinahagi ng kaanak ni Philippine entertainment icon Armida Siguion-Reyna ang schedule ng kaniyang memorial service.

Sa Heritage Memorial Park ilalagak ang mga labi ni Siguion-Reyna.

Sa post sa Facebook ng kaniyang manugang na si Bibeth Orteza, ang memorial service para kay Siguion-Reyna ay magsisimula alas 6:00 ng gabi ngayong araw, Feb. 12 hanggang sa Feb. 15 alas 11:00 ng gabi.

Hiniling din ni Orteza sa publiko ang panalangin at baunin ang magagandang ala-ala ni Siguion-Reyna.

 

 

Read more...