Inilabas na ng Mandaluyong City ProsecutorĀ“s Office ang inquest resolution sa reklamong isinampa ni PO1 William Cristobal laban sa Chinese student na si Jiale Zhang.
Sa resolusyon, inirekomenda ni City Assitant city prosecutor Leynard Dumlao ang pagsasampa ng paglabag sa article 148 ng Revised Penal Code o direct assault upon agent of person in authority laban kay Zhang.
Inabrubahan naman ito ni City Prosecutor Bernabe Augustos Solis.
Ibinasura naman ng piskalya ang reklamong unjust vexation laban sa Chinese national dahil resulta na lang anya ito ng ginawang direct assualt sa police officer.
Nitong weekend, nag-viral ang larawang kuha ng pagsaboy ni Zhang ng kanyang dalang taho kay PO1 cristobal sa Boni Station ng MRT-3.
Ito ay matapos na hindi sya papasukin at sinabihang ubusin muna ang pagkain dahil sa paghihgpit ng pagdadala ng likido at mga pagkain sa loob ng MRT station.