17 biktima ng human trafficking nailigtas sa Zamboanga

Nailigtas ang 17 katao na biktima ng human trafficking sa Zamboanga City.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nailigtas ang mga biktima na sakay ng motorboat patungong Taganak, Tawi-Tawi.

Sinabi ni Zamboanga Coast Guard Station Commander Lt. Cmdr. Jimmy Oliver Vigno, ang mga biktima ay kabilang sa 93 pasahero na sakay ng barko.

Dadalhin sa DSWD ang mga biktima.

Inaalam pa kung sasampahan ng reklamo ang may-ari ng barkong pinagsakyan sa mga bitkima.

Read more...