Kahit dumating na ang lahat ng Certificate of Canvass (COC) mula sa mga pinagdausan ng ikalawang plebesito sa Bangsamoro Organic Law ay wala pa ring resulta ng bilangan na mailabas ang Comelec en banc na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers.
Sa pag-reconvene ng NPBOC Lunes ng gabi iniulat ng NPBOC na nasa 20 porsyento pa lamang kasi ng tabulation ang nakukumpleto.
Dahil dito, nagdeklara agad ng recess ang NPBOC at nagpasya na ngayong February 12 ganap na alas-4:00 ng hapon na lang ulit sila mag re-reconvene.
Samantala, ipinakita naman sa media ang 8 certificate of canvass na galing sa lugar ng: Pikit, Pigcawayan, Midsayap, Kabacan at Tulunan sa North Cotobato, Aleosan sa Cotobato at Lanao Del Norte.
Nabatid na sa resulta ng plebesito nakasalalay kung mapapasama ba ang ilang lugar sa itatayong Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.