
Ayon kay MILF chair Murad Ebrahim, sa kabila ng pagkadismaya ay suportado naman ni Commander Bravo ang hakbang ng MILF para makamit ang otonomiya.
Sinabi ni Ebrahim na kumpiyansa silang susuportahan at tatanggapin ni Commander Bravo ang polisiya ng mayorya ng MILF.
Tiniyak din aniya ni Commander Bravo na susunod ito sa central committee ng MILF.
Ayon kay Ebrahim, naisumite na niya kay Pangulong Rodrigo Durterte ang listahan ng 41 nominado na maaring bumuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) at inaantay na lang niya ang pagtatalaga ng nalalabi pa na bubuo sa 80-member body.
Si Ebrahim ang inaasahang mamumuno sa BTA bilang interim chief minister.
MOST READ
LATEST STORIES