Malalakas na aftershocks patuloy na nararamdaman sa Surigao Del Norte

Nararanasan pa rin ang malalakas na pagyanig sa bayan ng General Luna sa lalawigan ng Surigao Del Norte dulot ng Magnitude 5.9 na lindol noong February 8.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.7 na lindol 12:39 ng madaling araw sa 40 kilometers Northeast ng bayan ng General Luna at may lalim na 11 kilometers.

Naitala rin ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 61 kilometers Northeast ng bayan rin ng General Luna, 4:39 ng umaga at may lalim na 4 kilometro.

Tectonic ang origin ng dalwang malakas na aftershocks.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian.

Read more...