Duterte, gustong makipag-reach out kay Misuari

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais na makipag-ugnayan sa Moro leaders na tutol sa bagong batas na magbibigay sa kanilang mga dating kasamahan ng buo at mas malawak na autonomy sa Mindanao.

Sa kanyang talumpati sa Buluan, Maguindanao, partikular na binanggit ng Pangulo si Nur Misuari, ang founder ng Moro National Liberation Front (MNLF) na hayagan ang pagtutol sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Kumpyansa si Duterte na kapag nakausap niya si Misuari ay payapa silang magkakasundo.

Noong January 21 ay niratipikahan ang BOL na bubuo sa Bangsamoro Autonomous Region ni Muslim Mindanao (BARMM), ang huling yugto sa 2014 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Si Misuari ay naging gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos ang peace deal sa pamahalaan noong 1996 pero bigo umano itong mawala ang kahirapan sa rehiyon sa kabila ng milyong dolyar na halagang pondong naibigay sa lugar.

Read more...