Sanggol, nailigtas sa sindikato ng “babies for sale” sa Las Piñas

Nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sindikato na nagbebenta ng mga sanggol sa pamamagitan ng Facebook.

Ito ay matapos mailigtas ng NBI-International Operations Division (IOD) ang isang linggong gulang na baby na ibebenta na sana ng mga magulang nito sa Las Piñas.

Sa operasyon ng NBI, tinangka ng mga suspek na dukutin ang sanggol pero napigilan ng mga operatiba.

Ayon kay NBI cybercrime division chief Ronald Aguto, aktibo ang FB page na ginagamit na platform para ibenta ang mga baby.

Ang nailigtas na bata ay ibinenta ng mga magulang nito sa halagang P40,000. Ayon sa NBI, may mga sanggol na naibenta sa murang halaga na P10,000.

Bukod sa mga babies, 2 suspek ang inaresto sa operasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa expanded human trafficking law at adoption act.

Read more...