Higit 11,000 bagong HIV-AIDS cases, naitala ng DOH noong 2018

Mahigit 11,400 na bagong kaso ng HIV-AIDS ang naitala ng Department of Health (DOH) noong 2018.

Ang bilang ay mas mataas kumpara sa naitalang kaso noong 2017 na 11,100.

Kaugnay ng transmission o paraan ng pagkahawa ng HIV-AIDS, 98 percent ng mga kaso ay sa pamamagitan ng pagtatalik habang 88 percent ay ang pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Sa abiso ng DOH, hinimok ang publiko na magpasuri o sumailalim sa HIV-AIDS test.

Sa mga taong nagpositibo sa virus, sagot ng gobyerno ang gamot na anti-retroviral drugs.

Read more...