Matatandaan na ang Pilipinas ay ipinangalan kay Spanish monarch Philip II. Ang bansa ay nasa Spanish colony ng mahabang panahon bago sumailalim sa Estados Unidos noong 1898.
Sa kanyang talumpati sa Buluan, Maguindanao, binanggit ng Pangulo ang pagka-diskubre ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas kaya inihango ang pangalan ng bansa mula kay King Philip.
Ayon sa Pangulo, tama si Marcos sa gusto nitong palitan ng Maharlika ang pangalang Pilipinas.
Ang Maharlika anya ay isang Malay word na nangangahulugan ng kapayapaan.
Taong 1978 ay naghain si dating Senador Eddie Ilarde ng Parliamentary Bill 195 para palitan ng Maharlika ang Pilipinas pero binatikos ito dahil sa pagkaka-ugnay ng pangalan kay Marcos.
Pinakahuling panukala ay inihain ni Rep. Gary Alejano noong June 2017 na layon ang pagbuo ng commission na susuri sa pagpapalit ng pangalan ng bansa pero nakabinbin pa rin ito sa committee level.