“Bayad sa utang na loob”.
Ito ang naging paliwanag ng Malacañang sa pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Ilocos Governor Imee Marcos na kakandidatong senador sa May 13 elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman nakasuhan sa korte si Marcos dahil sa isyu ng korupsyon.
“According to the President, he is helping Imee because he is indebted to her”, paliwanag ni Panelo.
Hindi aniya ito taliwas sa masidhing panininidgan ni Pangulong Duterte kontra sa katiwalian.
Ayon kay Panelo, tinutulungan ng pangulo si Marcos dahil isa lamang siya sa dalawang gobernador na tumulong noon sa kandidatura ng punong ehekutibo.
Matatandaang ang pamilya ni Marcos ay inaakusahan ng ill-gotten wealth o pagkakamal ng malaking halaga ng public fund noong panahon na nanunungkulan pa ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.