Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, sa pamamagitan ng trusted build o transmission router/ gateway, matitiyak na aabot ang resulta ng eleksiyon sa transparency server at sa central server sa oras.
Ang binubuong trusted build para sa transmission router/gateway ay subject din ng source code review.
Ayon kay Casquejo, sakaling magkaiba ang SD card sa CS machine ay magkakaroon ng maraming tanong.
Inihahanda na rin ng Comelec ang mga counter measure sa pananabotahe ng signal kabilang dito ang pagtatalaga ng karagdagang pulis at mga sundalo
Kung wala namang signal ay ililipat ang makina sa lugar na may malakas na server ngunit ang paglilipat o pag-aalis ng SD card ay gagawin sa harap ng board of canvassers.