Duterte mangunguna sa infomercial ng DOH kontra tigdas

Inquirer file photo

Umakyat na sa 70 ang bilang ng mga namatay kaugnay sa meales outbreak sa ilang panig ng bansa.

Sinabi ng ng Department of Health na tumaas na rin sa bilang na 4,302 ang bilang ng mga nahawa ng tigdas sa bansa simula noong January 1 hanggang February 9.

Karamihan sa mga biktima ay may edad siyam na taong gulang pababa ayon pa sa DOH.

Kaugnay nito ay patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa gagawing information drive ng kagawaran kaugnay sa tigdas.

Kabilang sa mga lugar na nagkaroon ng tigdas outbreak ay ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Western at Central Visayas.

Read more...