Nasawi sa tigdas umakyat na sa 70; naitalang kaso ng sakit umabot sa mahigit 4,000

Mula January 1, 2019 hanggang February 9, 2019 umakyat sa 70 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na tigdas.

Sa datos na inilabas Department of Health (DOH) – Epidemiology Bureau sa nasabing petsa, nakapagtala ng 4,302 na kaso ng tigdas at 70 dito ang nasawi.

Karamihan sa mga namatay ay nasa edad isang buwan hanggang 31-anyos.

At ayon sa DOH, 79 percent ng mga nasawi ay hindi nabakunahan ng kontra-tigdas.

Kabilang sa mga rehiyon na nakapagtala ng mataas na kaso ay ang mga sumusunod:

– NCR (1,296 cases, 18 deaths)
– CALABARZON (1,086 cases, 25 deaths)
– Central Luzon (481 cases, 3 deaths)
– Western Visayas (212 cases, 4 deaths)
– Northern Mindanao (189 cases, 5 deaths)

Tumataas din ang mga naitatalang kaso ng tigdas sa Eastern Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Central Visayas at Bicol region.

Read more...