Bagong Lego movie, nanguna sa North American box office

Nanguna sa North American box office ang bagong Lego Movie.

Ayon sa Industry tracker Exhibitor Relations, ang movie ng Warner Bros. na “The Lego Movie 2: The Second Part”, ay umani ng $34.4 milyon sa loob lamang ng unang tatlong araw at nagiba nito ang rekord ng “What Men Want” at “Cold Pursuit”.

Bumida sa pelikula ang mga boses ng mga sikat na aktor na sina Chris Pratt, Elizabeth Banks at Will Arnett, at sa pagkakataong ito at kasama nila sina Tiffany Haddish at Maya Rudolph na tumatalakay sa pag-ibig, chaos, paghihiganti, at pagmamalupit sa isang post-apocalyptic toyland.

Pumangalawa naman sa datos ang comedy film ng Paramount na “What Men Want”, na kumita ng $19 milyon.

Sumunod sa pangatlong puwesto ay ang thriller movie na “Cold Pusuit”, na kumita ng $10.8 milyon. Bumida ang sikat na aktor na si Liam Neeson.

Nasa pangapat naman na puwesto ang STX films na “The Upside” movie na kumita naman ng $7.2 milyon sa ika-limang linggo nito. Bida sa palabas si Bryan Cranston na gumanap bilang isang mayamang quadriplegic, naroon din si Kevin Hart na gumanap bilang isang ex-convict caretaker.

Hindi papahuli sa ika-limang pwesto ang Universal Film na “Glass” na kumita naman ng $6.4 milyon. Bida rito sina Bruce Willies, Samuel L. Jackson at si James McAvoy.

At ang kukumpleto sa Top 10 ngayong linggo ang mga pelikulang na:

–“The Prodigy” na umani ng $6 milyon
–“Green Book” $3.6 milyon
–“Aquaman” $3.3 milyon
–“Spider-Man: Into the Spider-Verse” $3 milyon
–“Miss Bala” $2.7 milyon

Read more...