P60,000 halaga ng pekeng panty liners kinumpiska ng NBI

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o trademark infrigement ang isang Donnah Mae Miranda matapos sakalayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang opisina nito sa Antipolo City at nakuhanan ng kahon-kahong peke na panty liner na nagkakahalaga ng P60,000.

Ang raid ng NBI sa Misumi Direct Sales na makikita sa Unit 5, Okinari Building, Circumferential Road, Antipolo, Rizal ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 46 dahil na rin sa reklamo ng kumpanyang Shuya panty liner na pinepeke ang kanilang produkto.

Ayon kay Isaac Carpeso, team leader ng NBI-IPRD, nagkakahalaga ng P60,000 ang mga pekeng panty liners na kanilang nakumpisya na siyang gagamitin nilang ebedensiya laban kay Miranda.

Sinabi ni Carpeso, maaring makulong si Miranda ng dalawa hanggang 5 taon at multang P50,000 hanggang P200,000 kapag napatunayan sa korte sa pamemeke nito ng produkto.

Read more...