Pulis na sinabuyan ng taho ng babaeng Chinese ginawaran ng Medalya ng Papuri

Binigyang pagkilala ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na tinapunan ng taho ng isang Chinese National sa insidente na naganap noong weekend sa MRT-3.

Ginawaran ng Medalya ng Papuri si PO1 William Cristobal sa idinaos na flag-raising ceremony sa Camp Crame ngayong araw.

Ito ay dahil sa ipinakitang maximum tolerance ni Cristobal sa kabila ng ginawa sa kaniya ng dayuhan.

Pagpapakita umano ng professionalism ni Cristobal sa kaniyang pagganap sa tungkulin at sumasalamin hindi lamang sa kaniya kundi sa buong PNP.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang katulad ni Cristobal ay dapat maging halimbawa at dapat gayahin ng iba pang mga pulis.

Nagpasalamat naman si Cristobal sa pagkilalang ibigay sa kaniya ng PNP at sinabing ginawa lamang niya ang kaniyang tungkulin.

Read more...