Ban sa pork at pork products galing Japan, pansamantala lang – DA

Pansamantala lamang ang ipinatutupad na ban sa mga karne ng baboy na galing sa Japan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na habang inaalam kung validated ang mga ulat ng African Swine Flu sa Japan ay minabuti niyang ipag-utos na ang temporary ban.

Ngayong araw ay aalamin aniya ng pamahalaan sa mga otoridad sa Japan kung ano ang estado ng ASF doon.

Ani Piñol sa ngayon mayroong ban ng pork at pork products mula sa walong bansa na pinag-aangkatan ng Pilipinas.

Aniya bagaman hindi nakaaapekto sa tao ang African Swine Flu ay matindi naman ang epekto nito sa hog industry kaya kailangan ng matinding pag-iingat.

Habang patuloy ang validation sa kaso ng ASF sa Japan ay iiral aniya ang temporary ban sa mga pork at pork products lalo na ang mga dala ng mga turista.

Read more...