P5M halaga ng cocaine natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Camarines Norte

Aabot sa P5 milyon halaga ng hinihinalang cocaine ang natuklasang palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Vinzons, Camarines Norte.

Ayon sa Camarines Norte police provincial office, mag-amang magsasaka ang nakatuklas sa nasabing ilegal na droga.

Nakalagay umano ito sa isang kahon nang makita ang mag-ama na sina Alfredo Vega Sr., 61, at Alfredo Jr.

Dahil kahina-hinala, agad ipinagbigay-alam ng mag-amang mangingisda ang nakitang kahon sa mga opisyal ng barangay at sa pulisya.

Sa isinagawang laboratory test, nakumpirmang cocaine ang laman ng kahon at aabot sa isang kilo ang timbang nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...