DA iniutos ang pansamantalang ban sa karneng baboy mula Japan

Radyo Inquirer File Photo

Ipinag-utos ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang temporary ban sa baboy at iba pang pork products mula sa Japan.

Sa isang pahayag araw ng Linggo, sinabi ni Piñol na ito ay matapos ang mga ulat na apektado ng African swine flu (ASF) ang naturang bansa.

Binanggit ng kalihim ang isang article mula sa The Japan News na mayroong pitong kumpirmadong kaso ng ASF sa Japan mula Oktubre 2018 hanggang Enero 2019.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa validation ng quarantine officials ang naturang ulat sa World Animal Health Organization.

Ipinag-utos na rin ni Piñol sa lahat ng quarantine officers sa mga pantalan na ipatupad agad ang ban.

Pinare-review rin ng kalihim sa quarantine officers ang mga protocol kabilang ang foot baths sa mga ports of entry at ang pagbabantay sa lahat ng meat products na dala ng mga turista.

Nauna nang nagpatupad ang DA ng ban sa pork at pork products mula sa China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia at Russia dahil sa ASF.

Read more...