Sec. Duque pinangunahan ang mass immunization kontra tigdas

Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mass immunization kontra tigdas sa Baseco Compound sa Maynila.

Nagpaalala ang kalihim sa publiko na magpabakuna upang makaiwas sa sakit.

Dahil sa meales outbreak ang mga sanggol na anim na buwang gulang pa lamang ay maaari nang tumanggap ng bakuna.

Gayunman, sinabi ni Duque na hindi ibig sabihin nito ay hindi na magkakaroon ng tigdas ang mga sanggol na nabakunahan.

Kapag wala anyang booster dose ay pwede pa ring magkaroon ng mild infection ang mga bata dahil hindi pa sapat ang antibody protection ng mga ito laban sa sakit.

Iginiit ni Duque na ang mga nasawi sa komplikasyon sa tigdas ay maaaring hindi talaga nakatanggap ng bakuna.

Samantala, tumutulong na ang Philippine Red Crosss sa mga pasyenteng isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa tigdas,

May tent ang PRC sa labas ng PGH para tugunan ang atensyong medikal ng iba pang pasyenteng tinamaan ng sakit.

Read more...