Tigdas sakop ng insurance ng PhilHealth

Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na sakop ng kanilang insurance ang sakit na tigdas.

Ito ay matapos ang deklarasyon ng outbreak ng naturang sakit sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PhilHealth, para sa kanilang mga miyembro naglalaro sa P7,700 hanggang P25,700 na gastos sa ospital ang maaari nilang sagutin depende sa komplikasyong dulot ng tigdas.

Ang mga pasyente namang walang aktibong PhilHealth coverage ay maaari pa ring matulungan sa oamamagitan ng Point of Service (POS) program.

Kailangan lamang mapatunayan na walang kakayahang magbayad ang mga pasyenteng ito.

Sasagutin ng pamahalaan ang unang taon ng kanilang premium para sa health insurance.

Read more...