Hawak-kamay na binantayan ng young Moro and Christian professionals ang labas ng Santa Isabel Cathedral sa Isabela City, Basilan araw ng Linggo.
Sa kasagsagan ng misa, gumawa ng human barricade ang dalawang grupo para tiyakin ang seguridad sa simbahan.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government provincial director Abou Mohammad Asmawil, pinayagan nila ang adbokasiya para maipakita sa mga Kristiyano na sila ay tutol din sa karahasan.
Gii ni Asmawal, hindi masasamang tao ang mga Muslim at mahal nila ang kanilang mga kapatid na Kristiyano.
Nasa 50 young professionals mula pa sa mga bayan ng Sumisip, Mohammad Ajul, Maluso at Lamitan ang nagbantay ng simbahan.
Hindi anya ito isang pansamantalang aktibidad lamang at gagawin ito tuwing Linggo para sa mga Kristiyano at tuwing Biyernes naman para sa mga Muslim.
Welcome kay Rev. Fr. Jude Angeles ang ginawa ng mga young professionals na ito na nagpakita anya ng espiritu ng kapayapaan at pagbuo sa magandang relasyon ng mga Kristiyano at Muslim.