Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, maaaring maharap sa anumang sanction ang mga kandidato na lalabag sa campaign poster policy.
Ilegal kasi ang paglalagay ng mga poster at tarpaulin sa mga lugar na hindi pinahihintulutan ng Comelec bilang common poster area.
Aniya pa, nakapagpadala na ang Comelec ng liham sa mga kandidato na mayroong tarpaulin sa mga non-common poster area.
Nagsimula nang makipag-ugnayan ang Comelec sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa ‘Operation Baklas.’
MOST READ
LATEST STORIES