Hindi bababa sa 15 na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Ayon kay Fire Insp. Sam laurence Velarde, nagsimulang sumiklab ang sunog bandang 11:00 ng umaga mula sa kusina ng isa sa mga apektadong bahay.
Mabilis aniyang kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay.
Idineklara namang fire under control ito dakong 12:08 ng tanghali.
Aabot sa P300,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES