Maglalaan ang Japan ng $202 million sa Pilipinas para sa paggawa ng mga kalsada sa Mindanao region.
Pumirma sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Japanese Foreign Minister Taro Kono ng bilateral agreement sa Davao City.
Ito ay ukol sa pagbibigay ng pondo ng Japan International Cooperation Agency para sa Mindanao Road Network Project.
Ayon kay Locsin, layon ng road projects na makapagbigay ng maayos na kalsada para mas madali sa mga residente na makapunta sa mga ospital at eskwelahan.
Sinabi naman ni Kono na nais tumulong ng Japan para makapagbigay ng suporta sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga taga-Mindanao.
Aniya pa, suportado rin ng Japan ang nagpapatuloy na peace process sa naturang rehiyon.
MOST READ
LATEST STORIES