“CPP NPA Terrorists” ang responsable sa pagsunog ng heavy equipment sa Quezon – PNP

Contributed Photo

Kinondena ng Calabarzon police ang pagsunog ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa apat na heavy equipment sa Infanta, Quezon.

Ang mga heavy equipment ay ginagamit para sa Kaliwa Dam project.

Ayon kay Region IV-A police office director, Chief Supt. Edward Carranza nasa 15 na CPP NPA terrorists ang nagsunog ng tatlong backhoe at isang bulldozer sa Sitio Queborosa, Barangay Magsaysay noong araw ng Biyernes (February 8).

Aniya, ang CPP NPA terrorists ay Communist Party of the Philippines New People’s Army terrorists.

Ayon naman kay Infanta police director, Chief Insp. Lowell Atienza na pag-aari ng Northern Builders Corporation ang mga heavy equipment.

Bahagi ng proyekto ang pagpapalawak ng kalsada para sa Kaliwa Dam.

Sinabi ni Carranza na nakikipagtulungan na ang PRO4A sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mahuli ang mga responsable sa insidente.

Dagdag nito, hindi hahayaan ng kanilang hanay na magpatuloy ang paghahasik ng karahasan ng mga rebelde sa komunidad.

Hinikayat din ni Carranza ang publiko na ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling mayroong impormasyon sa lokasyon ng mga suspek.

Read more...