Pagbabago sa Manila Bay, asahan sa susunod na 6 na buwan – DENR

INQUIRER.net Photo | Tere Torres-Tupas

Asahan na ang malaking pagbabago sa Manila Bay sa susunod na anim na buwan hanggang isang taon.

Ayon kay Environment undersecretary Benny Antiporda, tiyak na magugulat ang taong bayan kung paano gaganda ang water quality sa Manila Bay.

Puspusan kasi aniya ang ginagawa ng taong bayan at ng pamahalaan sa Manila Bay mula sa paglilinis ng mga tambak na basura.

Gayunman, aminado si Antiporda na aabutin pa ng 20 taon bago tuluyang mabuo ang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Hindi lang aniya basura ang dapat na linisin sa Manila Bay kundi maging ang mga fishpen, dumpsites at barko o bangkang nakadaong.

Read more...