Nangangailangan ang Philippine Red Cross ng mga volunteer doctor na tutulong para sa gagawing pagbakuna sa mga bata kontra tigdas.
Ayon kay Dr. Susan Mercado, deputy secretary general ng Red Cross Center for Health and Humanitarian Cction, maaring tumulong ang mga volunteer sa pamamahagi ng anti-measles vaccine at pagtatayo ng mga hospital tent.
Bukod sa mga doktor, nangangailanan din aniya ang kanilang hanay ng mga volunteer na nurses, midwives at maging ang ordinaryong sibilyan para sa logistics.
Maari aniyang makipag-ugnayan ang mga nais mag-volunteer sa telephone number na 790-2300 o sa social media sa pamamagitan ng hash tag na #bantaytigdas.
MOST READ
LATEST STORIES