Labanang Whittaker-Gastelum sa UFC234, hindi na tuloy

AP photo

Umatras si UFC middleweight champion Robert Whittaker sa napipinto nilang laban ni Kelvin Gastelum para sa UFC234.

Ayon kay UFC president Dana White, ito ay bunsod ng matinding abdominal injury.

Simula aniya noong Sabado, iniinda na ng 29-year-old fighter ang sakit sa kaniyang abdomen bago ito ma-diagnose sa ospital na mayroong hernia.

Dahil dito, sumailalim sa emergency surgery ang Australian fighter.

Nakatakda sanang depensahan ni Whittaker ang kaniyang championship belt kontra kay Gastelum.

Samantala, magsisilbi nang main event sa UFC234 ang paghaharap nina New Zealand star Israel Adesanya at Brazilian evetran na si Anderson Silva sa Rod Laver Arena.

Bukas naman ang UFC sa mga nais mag-refund ng kanilang tickets dahil sa biglang pagbabago sa event.

Read more...