OPAPP, wala pang inilalabas na BTA appointees

Wala pang inilalabas na listahan ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) para sa mga appointees na bubuo sa Bangsamoro Transition Authority.

Ayon kay OPAPP secretary Carlito Galvez, peke ang kumakalat na listahan sa social media.

Sa ngayon, sinabi ni Galvez na nakapagsumite na ang kanilang hanay ng listahan ng mga appointee kay Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi pa ito naaprubahan.

Apela ni Galvez sa publiko, iwasan ang pagpopost o pag-share sa social media ng listahan dahil wala pang pinal na desisyon ang pangulo.

Matatandaang katatapos lamang ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, North Cotabato at Lanao del Norte.

Sa ilalim ng BOL, kinakailangang bumuo ng 80 miyembro ang Bangsamoro Transition Authority.

Read more...