Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Surigao del Norte, Linggo ng hapon.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometers Northeast ng General Luna dakong 12:55 ng hapon.
May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ang naganap na lindol ay bahagi ng nararamdamang aftershocks matapos ang magnitude 5.9 na lindol sa lalawigan noong Biyernes (February 8).
Gayunman, wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES