NCRPO, todo-handa sa pagsisimula ng election campaign sa Feb. 12

INQUIRER Photo

Todo paghahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pag-uumpisa ng election campaign sa February 12.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO chief director Guillermo Eleazar na bagamat walang election hotspot sa Metro Manila, mahigpit pa rin ang kanilang pagbabantay para matiyak na magkakaroon ng maayos at mapayapang halalan sa Mayo.

Isolated case lamang aniya ang kasong pagapatay kay Brgy. captain Crisell “Beng” Beltran.

Todo-bantay din aniya ang kanilang gagawin sa iba’t ibang establisyemento sa Metro Manila para naman sa selebreasyon ng Valentine’s day sa February 14.

Read more...