Duterte, nakipagpulong kay Japanese foreign minister Kono

Palace photo

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese foreign minister Taro Kono.

Ayon sa Palasyo ng Malakanyang, ginanap ang courtesy call ni Kono sa Davao City noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Kono, welcome sa Japan ang pagratipika sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na magtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dagdag pa ni Kono, patuloy na susuportahan ng Japan ang mga programa sa Mindanao region.

Ipinaabot din ni Kono sa pangulo ang pakikiramay ng Japan sa mga nasawi sa pagsabog sa Mount Carmel sa Jolo, Sulu noong January 27.

Nasa bansa si Kono para sa tatlong araw na official visit.

Kasama sa agenda ng pagbisita ni Kono sa bansa ay ang inagurasyon ng Japanese consulate general sa Davao.

Kasama ni Kono sina Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at Davao consul general Yosjiaki Miwa.

Read more...