Planong reclamation activities sa Manila Bay ikinabahala ni VP Robredo

Nagpahayag ng pagkabahala si Vice President Leni Robredo sa mga ulat tungkol sa planong reclamation sa ilang bahagi ng Manila Bay.

Sa isang interview sa Naga City sinabi ng bise presidente na dapat pag-aralan muna nang maayos ang pangmatagalang epekto ng reclamation hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa buong Metro Manila.

Iginiit ni Robredo na sobrang siksikan na ang tao sa Metro Manila at dapat umanong masuri muna kung makabubuti ba ang reclamation sa Manila Bay.

Suportado naman ng bise presidente ang rehabilitasyon ng dagat dahil nagpapakita umano ito ng political will.

Gayunman, dapat din anyang makita kung ano ang pangmatagalang tulong ng rehabilitasyon ng Manila Bay sa mga taong naninirahan malapit dito.

Dapat umanong mabigyang prayoridad ang mga taong maapektuhan ng rehabilitasyon.

Kabilang sa plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang relokasyon ng libu-libong residente na nakatira sa baybayin ng Manila Bay.

Read more...