Patricia Javier puspusan na ang paghahanda para sa Mrs. Universe 2019

Todo-handa na si Patricia Javier para sa Mrs. Universe 2019 pageant sa South Africa sa Agosto.

Susubukan ni Javier na masungkit ang korona kalaban ang 87 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Sa launching ng libro ng kanyang asawa na si Dr. Rob Walcher sa Quezon City sinabi ng aktres na palagian na ang kanyang pag-gym at diet para mamintena ang ganda ng kanyang katawan.

Umaasa anya siya na sa paglahok sa Mrs. Universe ay kanyang maitataguyod ang kahalagahan ng tamang kalusugan.

Si Javier ay kasalukuyang nagti-training sa tulong ni Rodgil Flores ng Kagandahang Flores.

Ang Mrs. Universe pageant ay nagsimula taong 2007 at wala pang Pilipina ang nakasusungkit ng korona mula rito.

Read more...