Duterte, nais ang dagdag seguridad kaugnay ng PCA bill

pca.da.gov.ph

Nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas maraming safeguard o seguridad sa panukalang batas na layong palakasin ang Philippine Coconut Authority (PCA) Board.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang PCA na namamahala ng coco levy funds ay binuo gaya ng Road Board na pinabuwag ng Pangulo dahil sa umanoy kurapsyon.

Binanggit ni Panelo na ang PCA Board, gaya ng Road Board na gumagamit ng Motor Vehicle User’s Charge, ay mayroong full authority para gamitin ang P10 bilyong kada taon ng walang terminal date at sumasailalim lamang sa review ng Kongreso makalipas ang 6 na taon.

Sinabi rin anyang dahilan sa pag-veto ng Pangulo sa bill ang oversight power ng Kongreso sa PCA na sa ilalim ng batas ay wala ang ehekutibo.

Dagdag ng Kalihim, ang reconstituted PCA Board ay binigyan ng maraming functions ng walang check and balance.

Tutol din anya ang Pangulo sa pagsama ng 7 miyembro mula sa pribadong sektor sa 15-member PCA Board.

Read more...