Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na wala silang natatanggap na anumang banta ng terorismo sa ating bansa.
Ito ay kasunod ng paalala ng Malacañang sa publiko na maging mapag-matyag at mag-ingat lalo na sa mga matataong lugar.
Nilinaw ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Restituto Padilla na wala pa silang natatanggap na threat mula sa mga teroristang nagbabalak mag-lunsad ng pag-atake.
Wala pa rin aniya silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa presensya ng ISIS dito sa bansa, kaya wala pang “authentic link” sa pagitan ng ISIS at Abu Sayyaf.
Gayunman, hinimok pa rin ng AFP ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang normal na pamumuhay na may kasamang pag-iingat.
Mas pinaigting na rin ng militar ang kanilang mga operasyon laban sa Abu Sayyaf na nasa likod ng maraming mga pag-atake at mga kaso ng kidnap for ransom matapos nilang pugutan ng ulo ang isang Malaysian na kanilang bihag noong isang linggo.