Sa pagharap ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas sa House committee on games ang amusement, sinabi nito na hindi pa nasisingil ng ahensya ang sampung porsiyentong katumbas ng documentary stamp tax mula sa mga STL operators simula pa noong 2006.
Gayunman, sinabi ni Rojas na makikipag-ugnayan na sila sa Bureau of Internal Revenue upang umapisahan nang singilin ang nararapat na buwis sa documentary stamp tax na dapat ibayad ng mga operators.
Ayon naman kay Conrado Zabella, general manager ng PCSO, hindi nila siningil ng 10 percent documentary stamp tax ang mga STL operators dahil sa ito’y nasa experimental phase pa sa kabila ng katotohanang sampung taon na itong operational.
Samantala, sa pagharap ng Commission on Audit sa committee hearing, sinabi nito na hindi pa sumasailalim sa audit ang mga STL operations.
Dahil dito, malaki ang paniniwala ng komite naposibleng mas malaki pa sa P29 bilyon ang buwis sa STL dahil sa kawalan ng kaukulang opisyal na audit mula sa COA.
Matatandaang naungkat ang isyu na ginagamit na ‘front’ ng jueteng ang mga STL sa mga probinsya makaraang ibunyag ito ni PCSO Chairman Ireneo Ayong Maliksi noong nakarang buwan.