Pulis binuhusan ng taho ng Chinese national na sinita sa MRT station

Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang babaeng Chinese na nambuhos ng taho sa isang pulis na naka-assign sa Metro Rail Transit (MRT) line 3 Boni station sa Mandaluyong City.

Kaagad ring hinuli ng mga pulis ang babaeng si Jiale Zhang, 23-anyos.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng netizen na si Pau Mesias, na sinabuyan ng nasabing Chinese national ng taho ang pulis na pumigil sa kanya sa pagpasok sa MRT platform dahil sa dala niyang bottled taho.

Nauna na kasing ipinagbawal ng MRT management ang pagpasok ng anumang uri ng bottled drinks sa loob ng mga tren.

Sa kanyang txt message sa INQUIRER.net, sinabi ni National Capital Regional Police Officer Director Guillermo Eleazar na hinihintay pa niya ang kopya ng spot report para sa kaukulang kaso na pwedeng isampa sa nasabing dayuhan.

Read more...